Here we go again.
Like, haha. Hindi ko rin alam pero pag-uwi ko kahapon,kinuha ko agad yung mga notebook ko, tapos dumampot ng blue ballpen. At pag blue ang kinuha ko,ibig sabihin,sa NB ko ako magsusulat.
Ibig sabihin, hardcore drama and/or kawirduhan ang sasabihin ko.
August 19,2012. epic. Pero I must say na mas epic nung August 18. Pero saka ko na ikukwento yown. Ito muna. Para masaya. Lels.
Linggo,so malamang sa PNK magsisimula ang araw ko. Maaga-aga ako nakarating sa dako. Ang galing. Ang dami na namang absent sa mga ka-MT ko. Naisip ko agad yung mga bata… at kung paano namin sila masusundo kung ganun ang baha. Tapos ang konti pa ng manunundo. Puro babae pa. Anak ng everything.
Pero naitawid naman yung tupad na yun.Kahit medyo feeling ko harassed ako dahil sa antok at gutom.All the usual kasi, hindi ao nag-almusal.Wala eh. Fan talaga ako ng sarili kong sakit. Gusto ko pa siyang lalong lumala.
Tapos yun nga,inaantok ako nang wagas. anong oras na naman kasi ako nakatulog nung nagdaang gabi. Piantulan ko kasi yung panunuod ng American Pie kahit na pagod na din ako. Wala lang siguro,para matawa ganun.
Paggising ko,namamaga mata ko—NA NAMAN. Sandali pa ko nag-isip kung umiyak na naman ba mag-isa yung mga mata ko kagabi bago ako matulog.Hindi naman.Baka yung sa Koro lang. Medyo hardcore lang siguro kaya kahit matagal nang nahimasmasan eh umepekto pa din. *shrug*
Wala kaming ensayo sa mga awit sa pagsamba kahapon.Pero may praktis kami sa choral. Aw yes.Nag-choral na ko kahit duda ako sa sarili kong boses. Wala eh. Umaasa na lang ako na hindi magiging hadlang yung kapintasan ko para magingĀ dapat ako sa grupong yun (naks).
By 5pm,nasa kapilya na ko. Nakapantalon. Medyo matagal bago ko ulit napili yung isusuot ko. Yung nakuha ko, medyo labag sa kalooban kong isuot yun ng nakapantalon.Ohoho. Wala lang.Sadyang may mga damit akong gusto ko sana laging ipares sa short.Pero dahil kapilya yung pupuntahan ko,alangan namang banatan ko yun ng short.
Yung 5.30 na dapat eh praktis,nauwi rin sa 6pm. Ayt. Pero ayos lang. Saya ngang umawit e. Ang galing pati magturo ni Ka Gerald. Kahit medyo mahirap ata kaming i-handle na tatlong magkakaibigan. Matitigas kasi mga muka namin. May sarili pa kaming mundo.
…
(Bigyang daan natin ang mentalblock ko na to)
(Oh. Em. Biglang hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.)
So,yeah.Anyway. Wala na naman sa hulog yung naging lagalag ko—er,o namin, kagabi after ng praktis. Alas-otso natapos yung ensayo, 10pm na ko umuwi.Ohoho. Napakabuti ko talagang anak. Haha.
Mula sa Bautisterio, kumain pa ng siguro mga 20 minutes bago kami nakalabas ng mismong compound ng Kapilya. Wala lang. Kukunin ko kasi dapat yung ulatan ng mga sakop nina Lolo at Lola. E kaso,wala sa drawer. Puro dyis lang.Wala naman yung Kalihim na umaasikaso nun kaya naisip kong baka nakuha na ng Katiwala yung lahat ng sa Nuebe. Umakyat na kami sa taas.Dun lang na-realize ng pantog ko na puno na pala siya. Therefore,naiihi na ko. Sinubukan kong pasukin yung kapilya at sa CR tumakbo. Pero pagbukas ko pa lang nung pinto,nag-back out na ko. Pagkatapos akong makwentuhan ng mga nakakatakot na bagay tungkol sa kapilya,sa tingin niyo ba may tapang pa kong magagamit para pumasok sa loob nun nang ganun na yun kadilim?
Bumilang ako hanggang ten.Tapos nagdesisyon na bumaba ulit sa kalihiman kahit medyo epal na. Ayos naman. Epal naman talaga ako. Anong bago.Psh.
Tapos,dumiretso na kami palabas. Kunwari uuwi na.Pero joke lang yun. Sabi nga ni Germien ke Princess nung nagtanong yung isa kung uuwi na ba daw kami,
Kami? Uuwi agad?
Diretso kaming Rainbow. Gaya ng dati. Noon ko napatunayan na hindi talaga sila ang ipinupunta namin dun.Sadyang may mga bagay lang talaga sa mundong ito na kahit sa paanong paraan pa natin subukang ipaliwanag, hindi pa rin nila magegets yung point.
Kahit kasi hindi na sila dun nakatira, tuloy pa din ang lakad. Kahit baha pa sa kalahati ng subdivision, wala pa ding epek.
So ayun nga. Umuna kami sa Red. tapos dun sa unang likuan, kumanan na kami tapos tuloy sa Ma-jusay. Ayos nga eh. Yung dapat five minutes lang na simpleng pagbili dun,naging impyerno ang pakiramdam sakin. Prolly kaya may sapi na naman ako hanggang sa makauwi eh dahil sa walang point na naging epekto sa kin nung puntong yun ng buhay ko.
So anw. After ng siguro eh mga 30minutes na inubos namin sa pag-ikot ulit sa Rainbow kahit nga kalahati lang niya ang pwedeng lakaran, umalis na kami ulit. Kami ni germien, dumiretsong St. Martin.Matigas muka eh. si Christine naman,umuwi na.Mabuting bata. Haha.
Medyo malayo pala talaga yung St. martin.Nakakatakot na pati. ang dilim eh.Haha.
Pero yeah,anyway,sandali lang kami dun. Bumalik din kami sa Rainbow kahit 9.30pm na. At kahit tinetext na ko ng nanay ko ng umuwi na ko with exclamation point.
Ayun.
Now tell me. Sa dami ng mga pointless na kinuwento ko. Bakit kaya ako nagsulat na naman sa notebook kong yun?
aaagggh. I hate myself.